GINALIN'S JOURNEY
Wednesday, 28 November 2012
~ black cat ~
This is my black cat Tyro.
Bata pa lang ako mahilig na ako mag-alaga ng pusa, most especially black cat.. mas gusto ko alagaan ung mga pusang homeless, kasi para sa akin sila yung mga tipong kailangan ng aruga at pagmamahal..
Nakakatangal din ang pusa ng stress kapag sila ay nag-lalambing na.
Si Tyro na-pulot namin ng hubby ko sa Wendys Parksquare 1 Ayala, Makati. Nung nakita ko kasi sya napaka adorable nya (kitten pa kasi sya nun). Inuwi ko sya sa bahay namin, pinapakain, inaalagaan at nilalambing. Hindi lumaon napansin ko sunod-sunod ung mga blessing ko. Hindi ko alam kong may related yun basta ang alam ko masaya ako.
Usually kasi mas in demand ang pusang itim sa mga witch (sabi nila). Hindi naman ako witch o gumagamit ng black magic eh, basta ang alam ko gusto ko ang mga pusang itim alagaan, deadma lang ako sa mga ganun kasabihan.
Nung tumanda na si Tyro nagiging malimit na ung pag-alis alis na sa bahay, syempre hinahayaan ko lang siyang mag-explore, makipag-kaibigan sa kapwa pusa niya sa labas ng bahay. Tapos isang araw, hindi na talaga siya bumalik. Ganun din sa mga blessing ko pa-unti-unting nawawala.
Sa dinami-daming pusa kung inalagaan, pansin ko yung mga lalaking pusa hindi na tumatanda at namamatay sa amin. Lagi na lang na ganun ang nangyayari sa mga pusang lalaki, lumalayas at hindi na bumabalik. Nung nawala na talaga siya samin pinag-dasal ko nalang siya, na kung saan man siya o kung anu man ang nangyari sa kanya pinag-dadasal ko siya kay God.
~ my all day prayer ~
ANGEL OF GOD
prayer
Angel of God,
my Guardian dear,
to whom His love commits me here,
ever this day (or night) be at my side,
to light and guard,
to rule and guide.
Amen.
Subscribe to:
Posts (Atom)

